#Local Government
Target:
BAGAC MUNICIPAL OFFICES/DENR
Region:
Philippines

Excerpt of Mayor Rommel Del Rosario’s CERTIFIED URGENT letter to Sangguniang Bayan dated 3rd Sep. 2012.

1.) To endorse application for ECC Environmental Compliance Certificate & secure MPP Mineral Processing Permit Magnetite Sand for WellResource Mining Inc. by Emil E. Bautista.

2.) Application for (ISAG) Industrial Sand and Gravel permit & ECC by Ricardo D. Capati & Sonny Chinel, saying that if approved it would be beneficial to Municipality of Bagac!

A PETITION LETTER

“HELP SAVE BAGAC, NO TO MINING”

Ang BBM o Bagac Bagong Mukha online community group ay nais iparating ang di pagsang-ayon sa nabanggit na pagmimina sa mga sumusunod na kadahilanan:

Unang una ay ang nakaamba na malaking pinsalang idudulot nito sa Inang Kalikasan!

Ang pagmimina ay magdudulot ng pagkasira ng mga coral reefs at sea grass ecosystem, magiging sanhi sa pagguho ng mga dalampasigan at pinsala sa mga lugar na pangisdaan. Pagkasira ng malawakang bahagi ng dalampasigan at pagkawala ng mga yamang mineral/natural sa ating mga baybayin.

Ito ay hayagang paglapastangan sa karapatan ng mga mga mamamayan at pagwawalang bahala sa kanilang mga kapakanan na malaman ang magiging epekto nito, direkta man o hindi! Walang pagsangguni sa mga mamamayan,

Walang malinaw na pagsasaad kung anong uri ng pakinabang ang maibibigay sa bayan base sa pag aaral (kung mayroon mang ginawa ukol dito),

Matapos na kalbuhin ang mga kabundukan ngayon naman ang mga dalampasigan?!

Ang paghuhukay o paghigop ng milyong tonelada ng mga buhanging nabanggit ay taliwas sa programa na pagpapasigla sa Turismo ng bayan dahil sisirain nito ang ganda ng ating mga karagatan.

Kung meron mang mga programa ang lokal na pamahalaan na magkaroon ng mga sanktuaryo ng pangisdaan para sa matagalan at patuloy na pakinabang sa mga lamang dagat lalo para sa mga maliliit na mangingisda, ito ay mawawalang saysay!

Ano ang nagbunsod upang sabihing CERTIFIED URGENT ang pagpasa ng mga resolution?

Excerpt of Mayor Rommel Del Rosario’s letter to Sangguniang Bayan dated 3rd Sep. 2012.

1.) To endorse application for ECC Environmental Compliance Certificate & secure MPP Mineral Processing Permit Magnetite Sand for WellResource Mining Inc. by Emil E. Bautista,

2.) Application for (ISAG) Industrial Sand and Gravel permit & ECC by Ricardo D. Capati & Sonny Chinel Saying that which if approved would be beneficial to Municipality of Bagac!

Hindi pagmimina ang mag aangat sa ekonomiya ng Bagac. Malaking pinsala ang idudulot nito at ang magsasakripisyo sa huli ay pawang Bagaceno lamang. Huwag hayaang ito ay maganap.

Tutulan ito! Huwag nating ipagdamot na masilayan ng mga susunod na henerasyon ang ganda ng bayan ng Bagac. NO TO MINING!

Kung ikaw ay naging bisita ng aming bayan at nabighani ng kanyang kagandahan, please help save Bagac by signing.

Lumagda sa Petition Letter na ito upang marinig ang boses mo.

GoPetition respects your privacy.

The NO TO MINING IN BAGAC petition to BAGAC MUNICIPAL OFFICES/DENR was written by Ramil Agne and is in the category Local Government at GoPetition.

Petition Tags

no to mining bagac bataan bbm