#Students' Rights
Target:
Our Lady of Lourdes Catholic School - Camarin
Region:
Philippines

Taong 2007 pa nang simulang tumanggap ng hayskul sa ika-apat na taon ang OLLCS, ngunit halos apat na taon na ang nakakalipas ay wala pa rin silang nailalabas kahit isang yearbook para sa tatlong batch na nagsipagtapos na dito. Dagdag pa rito ang tila kawalan rin ng yearbook ng mga nagtapos na nasa mas mabababang baitang.

Ito ay sa kabila ng wasto namang pagbabayad ng mga mag-aaral para dito; sapagkat kasama ang "yearbook fee" sa taunang tuition fees na binabayaran ng mga estudyante/magulang.

Marami na ring tumawag sa opisina ng OLLCS subalit tila walang epekto ang mga reklamong ito - sapagkat sa paglipas ng mga taon, ay nagsawa na lamang ang mga magulang sa kakatanong at kakatanggap ng hindi malilinaw na sagot.

Magpasa-hanggang ngayon ay wala pa ring opisyal na pahayag tungkol dito ang OLLCS - tila walang sinseridad ang kanilang pamunuan patungkol sa mga yearbook na ito - hangga't hindi nagiging seryoso ang mga reklamo.

Paano na lamang aalalahanin ng mga bata, ng mga estudyante, ang kani-kanilang pagtatapos sa OLLCS? Labas pa sa mga alaala, saan na napunta ang "yearbook fees?"

Kaming mga nakalagda ay tinatawagan ang pamunuan ng paaralang Our Lady of Lourdes Catholic School, sa Camarin, na ilabas, ipamahagi, at ibigay na sa mga karampatang estudyante ang kanilang-kanilang mga yearbook.

GoPetition respects your privacy.

The Ipamahagi na ang mga Yearbook petition to Our Lady of Lourdes Catholic School - Camarin was written by Em El Ar Ji and is in the category Students' Rights at GoPetition.