#Health
Target:
Philippine Charity Sweepstakes Office, PCSO Chair Jose Jorge Corpuz
Region:
Philippines

For English version of petition, click http://bit.ly/englishpetitionPCSO

Isang mapagpalang araw po!

Marahil po ay may ibang grupo na po ng mga nagdidialysis na sumulat sa inyo ng kanila kahilingan para maibalik sa dati ang tulong na natinatanggap namin mula sa PCSO.

Dati ay sinasagot ng PhilHealth o PHIC ang 45 hemodialysis (HD) treatment ang bawat treatment ay may nakalaang 4000 pesos na pondo para sa iba pang gastusin katulad bayad sa doktor ng HD Clinic/Unit Epoeitin Injection at Dialyzer. Ang bilang ng dialyzer at epoietin injection na makukuha ng libre ay depende na sa kung magkano ito sa mga HD clinic.

Kasabay ng PHIC ay may ayudang nakukuha ang mga pasyente sa PCSO. Kada ikalawang buwan ay maaaring lumapit sa PCSO para makatanggap ng 20 libong pisong ayuda (sa ibang lugar ay 10 libo).

Ang orihinal na 45 treatment ay may 4000 libong pondo kada treament. Noong humiling at umapela kaming mga pasyente ng karagdagang bilang ng treatment na maaring sagutin ng PHIC, hinati ang pondo at ginawang 2600 libong piso ang pondo para lumawig ang bilang nito sa 90 HD treatment kada isang taon. At dahil dito treatment na lamang po ang sinasagot ng PHIC.

Sa mga sumunod po na buwan ay itinigil ng PCSO ang ayudang binibigay nila sa mga dialysis patients. Nang naibalik ang ayuda ay epoeitin injection na lamang po ang naibibigay na ayuda ng PCSO.

Bagamat sa unang tingin ay mas maganda ang ganitong sistema ay hindi po ito ang totoong kalagayan namin.

Una, sa dating sistema ay salitang ginagamit ng mga pasyente ang ayuda mula PHIC at PCSO, at ang iba pang gastusin ay nairaraos nila mula sa paghingi ng ayudang pinansyal mula sa DSWD at sa iba’t ibang LGUs dito sa bansa.
Ngayon po ay ganito na ang nangyayari: Habang sinasagot ng PHIC ang 90 treatment na tatagal lamang po ng hanggang Setyembre, at sa kadahilanang injection na lamang ang binibigay ng PCSO sa buong taon, sa DSWD at mga LGU lumalapit ang mga pasyente para sa karagdagang tulong pinansyal. Ngunit ang releasing at halaga na tulong na naibibigay ng mga ito ay di sapat para mabayaran ang HD treatment.

Samantala, may mga namamatay dahil wala nang pangdialysis.

Sana po ay wag pabayaan ng pamahalaan ang mga pasyente na mamatay lamang dahil walang pangdialysis.

Kaming mga dialysis patients, mga kamag-anak at kaibigan ay nananawagan sa PCSO.

Ang aming hiling at pakiusap ay maaari po sana naming magamit ang dialysis assistance ng PCSO para sa treatment o hindi kaya Epoeitin therapy sa simula pa lamang ng taon. Bukod sa nabanggit sa itaas, ito din ay upang mabigyan ng pagkakataon ang mga pasyenteng nagbabalak sumailalim sa kidney transplant na magamit ang Z package, alinsunod sa alituntunin ng PHIC na kinakailangan na may malalabing kahit 1 treatment upang magamit ang Z package.

GoPetition respects your privacy.

The Dialysis Patients' Appeal to PCSO: The Return of Dialysis Assistance petition to Philippine Charity Sweepstakes Office, PCSO Chair Jose Jorge Corpuz was written by DialysisPH and is in the category Health at GoPetition.